Isang batang babae na 11 taong gulang ang natagpuang patay sa isang sapa sa Barangay Basak, Mandaue City, Cebu noong Hunyo 10, isang araw matapos siyang maiulat na nawawala.
Hinala ng kanyang ina, maaaring inatake ito ng seizure habang pauwi at nahulog sa sapa.
May kasaysayan ng seizure ang nasabing bata.
Iniimbestigahan ng pulisya ang lahat ng anggulo, kabilang na ang posibleng foul play, at inirekomenda ang autopsy. RNT