Home NATIONWIDE 12 barangay sa QC idineklarang dengue hotspot

12 barangay sa QC idineklarang dengue hotspot

MANILA, Philippines – Idineklarang dengue hotspots ang 12 barangay sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Health Office, mayroong 140 bagong kaso ng dengue sa lungsod matapos ang pananalasa ng Bagyong Carina at ng Habagat.

Sinabi ng Health Department na tumaas ng 33% ang mga kaso ng dengue sa bansa ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2023.

Sa kabila nito, dahil ang datos ay hanggang Hulyo 27, 2024 pa lamang, hindi pa posibleng matukoy kung ang Habagat ba at bagyong Carina ang talagang nagdulot ng dengue outbreak.

Sa kasalukuyan, nakikitang dahilan sa pagtaas ng mga kaso ng dengue ay ang El Nino, kung saan maraming mga inimbak na tubig sa mga container.

Samantala, nagpaalala si DOH Spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo sa publiko kaugnay sa mga sintomas ng dengue.

“Sa panahon ngayon, mas sigurado ang kumonsulta agad at huwag natin iisipin na lagnat lang to at aantayin natin ng isang araw,” ani Domingo.

Noong Hulyo, sinabi ng Department of Health (DOH) na nagsimula na ang pagtaas ng mga kaso ng dengue dahil sa pagsisimula ng tag-ulan.

Pumalo sa 18,000 mark ang bilang ng mga dengue case sa nasabing buwan. RNT/JGC