MANILA, Philippines – Mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang lugar sa Quezon City at Valenzuela mula Agosto 12 hanggang 19 dahil sa scheduled maintenance activities.
Sa anunsyo nitong Biyernes, Agosto 9, sinabi ng Maynilard na mawawalan ng suplay ng tubig sa mga sumusunod na lugar sa mga sumusunod na petsa:
Quezon City
Gulod – Agosto 12 hanggang Agosto 19, alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.
Bahagi ng Gulod (Belen, Good Haven, Marianito, Masaya, Nenita, Quirino Highway, San Pablo, Susana) mula alas-12:01 ng umaga hanggang alas-4 ng umaga ng Agosto 12 hanggang 13.
Sta. Monica – Agosto 12 hanggang 19, alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.
Bahagi ng Sta. Monica (Palmera 4 Subd.) – Agosto 12 hanggang 13, 12:01 ng umaga hanggang alas-4 ng umaga.
Sauyo – Agosto 14 hanggang 15, alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.
Bahagi ng Sauyo (BIR Subd., Franco, Greenview 1,2 & 3, Executive Village, Mindanao Ave., Pascuallet, Quirino Highway, Rolling Meadows 1 & 2, Sauyo Rd., Sauyo Palengke, Victorian Heights Subd.) – mula Agosto 12 hanggang 13, 12:01 ng umaga hanggang alas-4 ng umaga.
Bahagi ng Talipapa (Apahap, Bagbag Creek, Biya, Delos Santos, Marigold Subd., Pasong Tamo River, Piko, Villa Sabina Subd.) mula Agosto 12 hanggang 13, 12:01 ng umaga hanggang alas-4 ng umaga.
Bagbag, Bagong Silangan, Batasan Hills, Commonwealth, Greater Fairview, Holy Spirit, North Fairview, Payatas, San Bartolome, Sta. Lucia – mula Agosto 12 hanggang 13, 12:01 ng umaga hanggang alas-4 ng umaga.
Nova Proper – Agosto 13 hanggang 14, alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.
Apolonio Samson and Baesa – Agosto 16 hanggang 17, alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.
Valenzuela
Bahagi ng Ugong (Hobart Village 2 and Doña Maclana Subd.) – Agosto 12 hanggang 13, 12:01 ng umaga hanggang alas-4 ng umaga.
Nagpaalala ang Maynilad sa mga apektadong residente na mag-imbak ng tubig upang hindi maabala. RNT/JGC