LAGUNA, Philippines – Pinaigting ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa CALABARZON, sa pamumuno ni Acting Regional Director Police Brigadier General Hansel M. Marantan, ang pakikipagtulungan nito sa mga Local Government Units (LGUs) bilang ang inisyatiba ng “Safer Cities” ng Secretary of Interior and Local Government ay magkakaroon ng momentum sa buong rehiyon.
Sa pamamagitan ng koordinasyon ng buong rehiyon isinagawa ang sabay-sabay na operasyon sa lakawigan ng CALABARZON na kinabibilangan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon, sa pakikipagtulungan ng mga LGU, ipinatupad ang mga lokal na ordinansa na naglalayong mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko.
Ang operasyon ay naka sentro sa mga paglabag sa curfew, sa pampublikong nag- iinuman at paninigarilyo, hindi wastong pampublikong kasuotan, at paggamit ng videoke na lampas sa alas – 10:00 ng gabi.
Ang pinalakas na pagtutulungan sa pagitan ng PNP at LGUs na gumanap ng mahalagang papel sa pagtiyak ng maayos na pagpapatupad ng inisyatiba.
Aktibong sinuportahan ng mga lokal na awtoridad ang mga pagsisikap sa pagpapatupad habang pinalalakas din ang mga pampublikong advisory, na nagreresulta sa pagtaas ng kamalayan at boluntaryong pagsunod sa mga residente. Mula 10:00 PM hanggang 12:00 Midnight.
Samantalang kahapon ( Abril 8, 2026 ) may kabuuang 1,225 na lumabag ang inaresto sa isinagawang operasyon, na may kabuuang bilang, 469 ang mga menor de edad na lumabag sa oras ng curfew, 159 ang pinagmulta at 30 ang kinasuhan habang ang iba ay binanggit sa mga paglabag sa videoke, hindi tamang pananamit, at ipinagbabawal na mga pampublikong gawain.
Nagsagawa ng mga naaangkop na aksyon, kabilang ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga lumalabag at pagpapalabas ng mga babala, partikular para sa mga unang beses na nagkasala, sa pakikipag-ugnayan sa mga LGU at mga magulang o tagapag-alaga.
Binigyang-diin ni PBGen Marantan na ang tagumpay ng “Safer Cities” na inisyatiba ay nakasalalay sa matibay na partnership sa pagitan ng mga tagapagpatupad ng batas at mga lokal na pamahalaan, gayundin ang aktibong partisipasyon ng publiko.
“Ang Safer Cities initiative ay isang shared responsibility. Ang ating pakikipagtulungan sa mga LGU ay nagsisiguro na ang mga patakaran ay epektibong naipapatupad sa grassroots level, habang ang kooperasyon ng publiko ay nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating mga komunidad,” Ayon kay PBGen Marantan.
Binanggit din ni Marantan na ang bilang ng mga lumalabag ay nagpapahiwatig na maraming komunidad ang tumugon sa panawagan ng Department of the Interior and Local Government, na nagpapakita ng disiplina at paggalang sa mga lokal na ordinansa.
Patuloy na palalakasin ng PNP at LGUs ang kanilang pagtutulungan sa mga susunod na araw, patuloy ang joint operations at information campaigns para higit pang isulong ang kultura ng pagiging matuwid, pananagutan, at kaligtasan ng komunidad. /Ellen Apostol