Home NATIONWIDE 13.2M pamilyang Pinoy ikinokonsiderang mahirap – OCTA

13.2M pamilyang Pinoy ikinokonsiderang mahirap – OCTA

MANILA, Philippines – TINATAYANG 50% o 13.2 milyong pamilyang Filipino ang kinokonsidera ang kanilang mga sarili na mahirap sa fourth quarter ng 2024.

Sinasabing tumaas ito mula 11.3 milyong pamilya (43%) sa third quarter survey ng OCTA Research’s Tugon ng Masa.

Ang survey, isinagawa mula November 10 hanggang 16, 2024 ay nagpahayag na 7% na puntos ang itinaas, kumakatawan sa 1.8 milyong karagdagang pamilya.

Ang poll ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents na may edad na18 at pataas.

Mayroon itong ±3% margin of error sa 95% confidence level.

Ang subnational na ipinagpapalagay para sa geographic areas na covered sa survey ay may sumusunod na margins of error na 95% confidence level: ±6% para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ayon sa survey, iyong mga kinokonsidera ang kanilang pamilya na mahirap ay nagpahayag na ang ‘median amount’ na kanilang kailangan para sa home expenses upang hindi maikonsidera na mahirap ay P25,000 pesos kada buwan.

“Additionally, families reported requiring a median of P8,000 more each month to escape poverty,” ayon sa survey.

Ang Self-rated poverty ang pinakamataas sa Mindanao na may 69%, sinundan ng Visayas na may 59%. Balance Luzon, 43%, habang ang National Capital Region (NCR) ay 30% lamang.

Ang 69% self-rated poverty rate sa Mindanao ay mas mataas kaysa sa third quarter figure na 60%.

Ang 43% self-rated poverty sa Balance Luzon ay mas mataas din kaysa sa 30% figure sa third quarter.

Ang 30% self-rated poverty sa Metro Manila, gayunman, ay mas mababa kaysa sa third quarter figure na 35%.

Ang 59% self-poverty rate sa Visayas ay kapareho sa third quarter figures.

Idagdag pa rito, makikita rin sa Tugon ng Masa poll na ang self-rated hunger ay tumaas sa fourth quarter ng 2024 sa 16% o tinatantiyang 4.2 milyong pamilya.

Ang pigura ay five-point increase mula sa third quarter figures na nakapagtala ng 11% self-rated hunger o sa tinatantiyang 2.9 milyong pamilya. Kris Jose