Home NATIONWIDE 140K pulis ipakakalat sa araw ng halalan

140K pulis ipakakalat sa araw ng halalan

MANILA, Philippines – Nasa 140,000 pulis ang ipakakalat sa buong bansa sa mismong araw ng halalan sa Mayo 12, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes, Abril 25.

“We will be deploying a substantial number of PNP personnel during Election Day,” pahayag ni PNP director for police community relations Police Major General Roderick Augustus Alba sa isang press conference.

“We have a considerable number of more than 140,000 personnel who will secure 37,528 voting centers across the country,” dagdag pa.

Mahigit 7,000 tauhan ang sinanay bilang backup poll workers para sa halalan, at 3,774 sa mga ito ang ipadadala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ani Alba, tututukan din ng PNP ang mga posibleng magdulot ng pagkaantala sa eleksyon, kabilang ang intense political rivalries at mga gang.

Kabuuang 63 aktibidad ang iniuugnay sa political rivalry na namonitor sa BARMM, Metro Manila, at Calabarzon.

Samantala, may mga iniulat ding gang sa Central Luzon, Central Visayas, BARMM, at Zamboanga Peninsula. RNT/JGC