MANILA, Philippines – Masisilayan na sa Sanctuario de San Antonio Parish simula ngayong araw, Abril 25 ang naka-display na sasakyang ginamit ni Pope Francis nang bumisita sa Pilipinas noong 2015.
Karaniwan itong tinawag na “Pope Mobile” at “Pope Jeep” dahil ito ay hawig ng pampublikong jeepney na dumadaan sa mga lansangan ng Maynila ay maaaring masilayan hanggang Linggo, Mayo 4, 2025 sa ganap na ika-6 ng gabi.
Ginamit ng Papa ang isang customized jeepney bilang kanyang Pope Mobile, isang sasakyan na idinisenyo upang ipakita ang diwa ng talino sa Filipino at ang pagnanais ng Papa na makipag-ugnayan sa mga tao.
“This white, open-ir jeepney,locally crafted, served as a symbolic representation of his humility and solidarity with the Filipino masses,” ayon sa pahayag ng simbahan.
Nagdaos ng misa si Pope Fracis sa Manila Cathedral gayundin sa Pontifical at Royal University of Santo Tomas.
Sa Tacloban City, nagdaos din ng Misa ang Papa sa kabila ng malakas na pag-ulan at malakas na hangin na dulot ng bagyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden