Home ENTERTAINMENT Fans ni Marya, nababahala sa kanyang sakit!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Fans ni Marya, nababahala sa kanyang sakit!April 25, 2025 17:40 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Labis na nag-aalala ang mga tagahanga ni Maricel Soriano para sa kanyang kalusugan.Nabahala kasi ang mga fans ng Diamond Star base sa limitadong kilos nito sa kanyang belated 60th birthday celebration sa New Frontier.Hindi maikakaila na hirap si Maricel sa paghakbang, at kailangang alalayan pa siya.For the most part of the party nga’y nakaupo lang siya.Finally, Maricel spoke about her condition.Truth be told–the actress is suffering from spinal arthritis.Aniya, hereditary raw ito.Pareho lang daw sila ng iniindang kundisyon ng kanyang kapatid na si Bek Bek, ina ni Meryl Soriano.Sinubukan na rin daw magpa-inject ni Maricel pero hindi raw nawala ang kirot.Kung kaya’t kinailangan niyang turukan ng steroids sa mismong spine.Operasyon ang inirekomenda sa kanya.Bagama’t open si Maricel sa ideyang ito, hangga’t maaari ay ayaw niyang sumailalim sa surgery.Sa ngayon, nagte-therapy siya as she does aquatic walking and stretching.Payo ni Maricel: “Listen to your body…what you eat today will walk and talk tomorrow.” Ronnie Carrasco IiI