Manila, Philippines – Naniniwala si Kuya Boy Abunda, ang isa sa hosts ng CIA with BA na ang Easter ay panahon ng pag-asa at bagong simula.
Kaya naman sa kanilang nakaraang programa, suportado ni kuya Boy ang mga advice ni Atty. Mike Cesa mga tanong ng manonood tungkol sa mga pangalawang pagkakataon sa “Tanong ng Pilipino” na segment.
Isang manonood mula sa Bagac, Bataan ang nagtanong: “Nakulong po ako dati pero gusto ko nang magbagong-buhay. Pwede po ba akong makahanap ng trabaho?”
Sa sagot nii Atty. Mike, binigyang linaw niya na ang batas ay sumusuporta sa pantay-pantay na oportunidad sa trabaho para sa lahat.
“Yes, pwede ka namang makahanap ng trabaho. Actually, ‘yung Constitution natin and ‘yung Labor Code, they both promote full employment and equal opportunities for all,” aniya.
“As long as qualified ka sa trabaho na ina-applyan mo… As long as na-serve mo na ‘yung sentence mo, ibig sabihin ready ka nang bumalik,” dagdag niya.
Isang manonood mula sa Carcar, Cebu naman ang nagtanong: “May record po ako ng pagnanakaw noong menor de edad ako pero na-acquit naman. Lalabas pa po ba ito sa NBI clearance ko?”
Ipinaliwanag ni Atty. Cesa na kung ang isang tao ay na-acquit, ibig sabihin nito ay napatunayan na siya ay walang sala.
“Considering na acquitted ka, ibig sabihin kasi no’n wala kang sala… na it’s as if wala ka talagang kaso,” paliwanag ng legal expert.
Dagdag pa niya na hindi na dapat lumabas ang kaso sa NBI clearance.
Pero kung sakaling lumabas pa rin, “pwede mong dalhin sa NBI ‘yung certificate of finality… saka ‘yung copy ng decision na ina-acquit ka na.”
Ang programa ay pinangungunahan ni Senator Alan Peter Cayetano at umaere tuwing Linggo ng alas-11:00 ng gabi sa GMA7, at may replay sa GTV tuwing Sabado ng 10:30 ng gabi. JP Ignacio