Home METRO 14K pang family food packs ipinadala ng DSWD sa Batanes

14K pang family food packs ipinadala ng DSWD sa Batanes

158
0

MANILA, Philippines – Magpapadala ng karagdagang 14,000 family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ng Batanes na apektado ngayon ng bagyong Leon

Sa ginanap na DSWD Media forum, nitong Oktubre 31 (Huwebes), sinabi ni Irish Flor Yaranon, Chief Administrative Officer ng National Resource and Logistics Management Bureau na may pauna nang higit 5,500 food packs ang naikarga sa barko ng Coast Guard at ibibiyahe mula Pangasinan patungong Batanes.

Ayon kay Yaranon, bukod dito, pinakilos na rin ang DSWD Cagayan Field Office para makapagpadala pa ng karagdagang food packs hanggang sa mabuo ang target na 14,000 FFPs.

Kaugnay nito nakikipag-ugnayan na rin ang DSWD sa Office of Civil Defense para sa pangangailangan nito ng air assets na tutulong para sa mabilis na paghahatid ng relief packs.

Sa kasalukuyan, mayroong 1,658 food packs ang nakapreposisyon sa Batanes.

Samantala tiniyak ng DSWD na mabibigyan tulong ang mga pamilyw na naapektuhan ng bagyong Leon. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here