Home NATIONWIDE Buntis, may paslit na anak na nasa 4PS kailangang mag-update ng profile...

Buntis, may paslit na anak na nasa 4PS kailangang mag-update ng profile para sa dagdag-ayuda

Nagpaalala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa mga household-beneficiaries na buntis at may anak na edad 0- 2 na i-update ang kanilang profile upang mapabilang sa roll-out ng First 1000 Days (F1KD) conditional cash grant sa susunod na taon.

“Isa sa direktiba ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa nakaraang SONA (State of the Nation Address) nya, yung pagkakaroon ng First 1000 Days cash grant sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program kaya naman puspusan yung ating pagpapalaganap ng impormasyon lalo na doon sa mga miyembro natin na buntis at mayroong mga anak na 2 years old pababa,” sabi ni 4Ps Social Marketing Division Chief (DC) Marie Grace Ponce.

Sa ika-pitong episode ng ‘4Ps Fastbreak’ nitong October 23 sinabi ni 4Ps Social Marketing Division Chief (DC) Marie Grace Ponce na mahalagang makapag-update ng profile information ang mga 4Ps beneficiaries na buntis at nagpapasusong ina upang sila ay mapabilang sa dagdag benepisyo ng programa.

Ang F1KD conditional cash grant ay karagdagang financial support sa ilalim ng 4Ps na naunang iminungkahi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Layon nito na mabigyan ng dagdag na tulong ang mga household beneficiaries sa unang 1,000 days of child development.

“Ito pong F1KD, ineexpand po natin yung health grant sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program kasi yung health grant natin, tinitingnan din natin yung aspeto ng kalusugan ng mga bata,” sabi pa ni SMD chief Ponce.

Ayon sa DSWD para sa mga beneficiaries na maga-update ng kanilang personal information sila ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang city or municipal links upang makapag-fill up ng Beneficiary Updating System (BUS) Form 5.

Kailangan din silang magsumite ng mga documentary requirements tulad ng birth certificate o local civil registry ng bata, maaari ding magbigay ng medical certificate o health certificate ng buntis na myembro. Ito ay dapat n aini-isyu ng kanilang Rural Health Unit (RHU) o Barangay Health Station (BHS). (Santi Celario)