MANILA, Philippines – Humarap sa Lipa City Regional Trial Court ang ilan sa mga co-accused ni Atong Ang sa kaso ng nawawalang sabungeros at nagdeklara ng not guilty.
Ayon sa ulat, anim ang counts ng kidnapping with homicide na isinampa kaugnay sa anim na nawawalang sabungeros sa AA Cobra Game Farm.
Limang akusado ang hindi pinakita sa korte sa hiling ng kanilang abogado, at ilan naman ay naghain na ng bail petition.
Itinakda ang pre-marking ng ebidensya sa Pebrero 20 at hearing sa Pebrero 27.
Samantala, patuloy pa ring hinahanap si Atong Ang, at ipinadala na ng DILG ang mga tauhan para kumpirmahin ang ulat na nasa Cambodia siya. RNT/MND