Home NATIONWIDE Walang nagbabadyang rigodon sa Gabinete – Malakanyang

Walang nagbabadyang rigodon sa Gabinete – Malakanyang

176
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na walang nagbabadyang rigodon sa sa Gabinete sa gitna ng alalahanin na may ilang department officials ang patuloy na nagsisilbi bilang isang ‘acting capacity’.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, sinabi sa kanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na walang cabinet revamp dahil ang mga pangalan ng mga Kalihim na kanyang itinalaga ay isusumite sa Commission on Appointments (CA).

“Natanong po natin ang Pangulo kanina. Wala na pong rigodon, at ang mga pangalan po ay isusumite sa Commission on Appointments the soonest possible,” ani Castro.

“Ang sabi lang po sa atin, ang mga pangalan ng magiging secretary ay ibibigay po at isusumite sa Commission on Appointments,” aniya pa rin.

Sinabi pa ni Castro na nasa proseso aniya ang Pangulo na tinitingnan nito ang rekord ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Raphael Lotilla kaugnay sa kanyang appointment.

Hindi naman nagbigay ng anumang kumpirmasyon si Castro kung mananatili pa rin o hindi si Lotilla sa Gabinete sabay sabing ang kanyang appointment record ay nananatiling nirerepaso.

“With regard to the rigodon, sa ngayon wala po; pero iyong patungkol po kay DENR Secretary, tinitingnan po iyan ng Pangulo,” ang sinabi pa rin ni Castro.

“Titingnan po muna kung ano po iyong records sa ngayon. Kapag po napakita na po sa atin at naibigay po sa atin ang update, ibibigay ko po sa inyo agad,” ang winika pa nito.

Ang paliwanag pa ni Castro na mayroon ng third bypass ng DENR chief’s appointment, kaya ” the President and the Presidential Management Staff (PMS) are currently reviewing the records, and we will see what the update will be regarding this matter.”

May tsismis kasing kumalat na nagsimula na ang cabinet revamp nitong unang bahagi ng taon. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here