Home HOME BANNER STORY Pag-aresto kay Duterte, unprogrammed funds ‘di puwedeng basihan ng Impeachment vs PBBM...

Pag-aresto kay Duterte, unprogrammed funds ‘di puwedeng basihan ng Impeachment vs PBBM – Ridon

207
0

MANILA, Philippines – Ayon kay Bicol Saro Rep. Terry Ridon, hindi maaaring i-impeach si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at sa unprogrammed funds sa 2025 national budget.

Aniya, maraming isyung ibinato laban kay Marcos ay matagal nang alam ng publiko at tinalakay na noon.

Sinabi rin niya na ang pagpapatupad ng ICC arrest order kay Duterte ay nasa kapangyarihan ng ehekutibo at hindi impeachable offense.

Tungkol naman sa unprogrammed appropriations, paliwanag ni Ridon, matagal na itong bahagi ng budget simula pa noong 1989 at wala pang desisyon ng Korte Suprema na nagdeklara nitong unconstitutional.

Kasabay nito, sinabi ni House Speaker Bojie Dy III na walang basehan ang impeachment at dapat nakatuon ang Kongreso sa pagpasa ng batas para sa mamamayan.

Dalawang impeachment complaints, kabilang ang BBM Parametric Formula issue, ay nakatakdang pag-usapan sa House committee on justice sa Pebrero 2. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here