Home NATIONWIDE 15% shading threshold sa balota sa 2025 poll aprub sa Comelec

15% shading threshold sa balota sa 2025 poll aprub sa Comelec

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang 15 percent shading threshold sa mga balota para sa May 2025 National and Local Elections (NLE).

Ito ang pinakamababa mula noong 2010 polls.

Ayon kay Comelec chair George Garcia nitong Sabado, Nobyembre 2, ang pagbababa ng shading threshold ng oval mula 25% ay inirekomenda ng Project Management Office (PMO).

Ang naturang rekomendasyon ay inaprubahan naman ng Commission en banc.

“Comelec en banc was satisfied sa mga naging explanation bakit 15 percent…Therefore, for the election of 2025, ang threshold natin ay 15 percent,” sinabi ni Garcia.

Hinimok nito ang mga kandidato na tulungan ang Comelec sa voter’s education.

“We are encouraging all the candidates, the political parties, iikot naman sila, mangangampanya, siguro magandang maisama sa pangangampanya nila ‘yung voter’s education,” ani Garcia.

Sa 2022 at 2019 polls, ang threshold ay nasa 25%, habang nasa 50% naman noong 2016 at 2013. RNT/JGC