MANILA, Philippines – Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) nitong Sabado, Nobyembre 2 na nakapagproseso ito ng 167,538 pasahero nitong Oktubre 31 at Nobyembre 1.
Nagmarka ito ng 12% na pagtaas sa international travelers mula sa 149,257 pasahero na naitala sa kaparehong panahon noong 2023.
Noong Oktubre 31, naitala ng BI ang 41,078 arrivals at 43,341 departures sa buong bansa.
Naitala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang 14,010 arrivals at 15,666 departures, habang ang Terminal 3 ang may pinakamarami sa 19,223 arrivals at 20,495 departures.
Samantala, nitong Nobyembre 1 ay nakapagtala ang BI ng 42,858 arrivals at 40,261 departures.
Naitala sa NAIA Terminal 1 ang 14,931 arrivals at 13,381 departures sa nasabing araw, habang sa Terminal 3 ay nagkaroon ng 19,136 arrivals at 19,431 departures. RNT/JGC