Home OPINION 16 BOTO MULA SA 24 SENADOR PARA SA CONVICTION

16 BOTO MULA SA 24 SENADOR PARA SA CONVICTION

1
0

SAAN nga kaya patungo ang kasong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte?

Nagtatanong tayo dahil lumitaw ang isa o maaaring pinakamahalagang usapin sa kasong sinimulang dinggin kahapon ng Impeachment Court.

‘Yun bang === basehan ng bilang ng boto para sa conviction o hatol na nagkasala o acquittal o pagpapawalang-sala sa isang akusado.

Mismong si Presiding Officer Chiz Escudero ang nagdeklara na kailangan ang pinakamababang 16 na boto para sa conviction o pagdedeklarang nagkasala si VP Sara.

Aniya, nakabatay ito sa takda ng 1987 Konstitusyon na matutunghayan sa Article 11, Section 3 (6) na nagsasabing “No person shall be convicted without the concurrence of two-thirds of all the Members of the Senate.”

Napansin sa boses ni Escudero ang diin sa salitang “two-thirds of ‘all’” at tumutukoy sa 16 boto para sa conviction mula 24 senador at dapat literal na intindihin ito.

TINIG NG SUPREME COURT SUSUNDIN

Napakahalaga rin ang pahayag ni Escudero sa pangangailangan ng pahayag Supreme Court para sa anomang pagbabago sa usapin at kung meron, iyon ang sundin ng Impeachment Court.

Pinatunayan ni Escudero ang kanyang paniniwala sa probisyon ng Konstitusyon sa pangangailangan ng 2/3 o 16 na boto mula sa 24 senador sa pamamagitan ng desisyon ng SC sa kasong Bayan vs Zamora, bagaman nauukol ito sa isang tratado.

Nauna rito, nanindigan mismo si Senator-Judge Panfilo Lacson na kailangan talaga ang 16 na boto para sa conviction at kung hindi masusunod ito, hindi dapat na matuloy ang paglilitis.

Naglabas din si Senate President Sherwin Gatchalian ng paninindigang kailangan talaga ang 16 boto para maideklarang nagkasala si VP Sara.

Ngunit sa hindi malamang kadahilanan, biglang nawala ang media o tila binura nito ang kanyang pahayag.

Tanong: Meron bang petisyon sa SC para linawin nito ang threshold o ‘yang 16 boto na kailangan para sa conviction at kailangan ang 24 senador na basehan ng pagboto?

Kung meron man ngunit mananahimik ang SC sa usapin, mananatili ang paninindigan nina Escudero at Lacson at may malaking epekto ito sa desisyong conviction o acquittal.

MARCOLETA MAY PAGKAKATAON NANG IPAGTANGGOL SARILI

Kusang sumuko si kapatid na Senator Rodante Marcoleta sa Sandiganbayan kaugnay ng kasong plunder na isinampa ni Ombudsman Crispin Remulla laban sa kanya.

Kilala si Sen. Marcoleta na nangungunang lumalaban sa P1.7 trilyong kikbakan sa flood control project ng pamahalaang Marcos na lumalabas na kinasasangkutan mismo ng Pangulo, ex-Speaker Martin Romualdez, anak ni Marcos na si Cong. Sandro Marcos at marami pang kongresman at taga-Palasyo.

Sa paniniwala ng iba at mismo ni Marcoleta, ginawan lang siya ng kaso upang matigil ang imbestigasyon nito sa nasabing kikbakan na ngayo’y marami na ang naglitawang mga saksi, lalo na ang mga dating sundalo na aktuwal na nagdeliber ng male-maletang salapi na kikbak sa nasabing mga opisyal ng pamahalaan.

Pagkakataon na para ipagtanggol nito ang paratang laban sa kanya at sana’y magtagumpay siya at paglabas nito, ipagpatuloy nito ang kanyang krusada laban sa korapsyon na pilit na pinagtatakpan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here