Home NATIONWIDE 16 subpoena inilabas sa pre-shaded ballots sa Basilan – Comelec

16 subpoena inilabas sa pre-shaded ballots sa Basilan – Comelec

1
0
Photo by Eric Ocapan

MANILA, Philippines – Naglabas ng 16 subpoena ang Commission on Elections (Comelec) sa ilang indibidwal ukol sa natuklasang pre-shaded ballots sa Maluso, Basilan sa isinagawang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Preliminary Elections.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Manila Bay na ito ay hindi dahil pinagbibintangan sila kundi para magpaliwanag ng panig.

Kabilang sa pinadalhan ng subpoena ang election officer, Maluso municipal treasurer, mayor, at chief of police; ang Basilan provincial Philippine National Police commander at local government personnel.

Ayon kay Garcia, mayroon nang natukoy na suspek ngunit mas maganda aniya isailalim ito sa masusing imbestigasyon upang masiguro na ang nasabing indibidwal ay mabibigyan ng due process.

Matatandaan na inilagay ng Comelec ang Maluso sa ilalim ng kanilang kontrol matapos na makompromiso ang 36 mula sa 86 presinto dahil sa pre-shaded ballots.

Una na ring sinabi ni Atty. Rex Laudiangco, ang spokesperson ng Comelec na mahaharap sa kasong electoral sabotage na mauuwi sa habambuhay na pagkabilanggo ang indibidwal na nasa likod ng pre-shaded ballots. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here