Home METRO 17,000 ektarya ng tubuhan, pineste sa NegOr; State of calamity, ipinatupad

17,000 ektarya ng tubuhan, pineste sa NegOr; State of calamity, ipinatupad

3
0

MANILA, Philippines – Isinailalim sa state of calamity ang Negros Oriental matapos maapektuhan ng red-striped soft scale insect ang mahigit 17,000 ektarya ng mga taniman ng tubo sa lalawigan.

Sinabi ni Provincial Agriculture Office Chief Emmanuel Caduyac na isasailalim sa chemical spraying ang lahat ng sugarcane field, kabilang ang mga hindi pa apektado, upang mapigilan ang pagkalat ng pesteng sumisipsip ng dagta ng halaman.

“We will be coordinating with the local government units down to the barangay level and the farmers to help us in the spraying as the PAO does not have enough manpower to do this,” sinabi ni Caduyac sa Philippine News Agency nitong Martes.

“The spraying must be done in all the sugarcane fields to make sure that there are no insects left to reproduce in nearby untreated farms.”

Batay sa pinakahuling ulat ng Sugar Regulatory Administration, umabot na sa 17,125 ektarya mula sa kabuuang 48,901.43 ektarya ng taniman ng tubo sa lalawigan ang naapektuhan ng peste.

Sa naturang bilang, nasa 1,900 ektarya na ang napatunayang apektado habang nagpapatuloy ang pagsusuri ng SRA.

Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na magdeklara ng state of calamity dahil sa patuloy na pagkalat ng peste.

Sa ilalim ng deklarasyon, maaari nang agarang bumili ang pamahalaang panlalawigan ng mga kemikal at kagamitan, kabilang ang backpack sprayers, na ipamamahagi sa mga lokal na pamahalaan.

Pinahihintulutan din ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na gamitin ang quick response fund nito. Paunang PHP15 milyon ang inilaan para sa kampanya laban sa RSSI.

Sinabi ni Caduyac na unang hakbang lamang ang chemical spraying. Mag-aaral din ang provincial Task Force RSSI ng mga pangmatagalang solusyon, kabilang ang pagtatayo ng PHP1.4-milyong bio-control laboratory para pag-aralan ang peste at bumuo ng biological control measures gaya ng fungi culture.

Hindi naman umano praktikal ang paggamit ng crop-dusting aircraft dahil maraming taniman ng tubo ang nasa mga bulubunduking lugar, kaya magiging mapanganib ang aerial spraying. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here