Home NATIONWIDE 1K high value PDLs nailipat na sa Iwahig, Sablayan prisons

1K high value PDLs nailipat na sa Iwahig, Sablayan prisons

MANILA, Philippines- Nasa 1,000 high-value na mga bilanggo, kabilang ang drug lords ang nailipat na sa Iwahig Penal Farm sa Palawan at sa Sablayan penal farm sa Occidental Mindoro.

Kinumpirma ni Bureau of Corrections director-general Gregorio Catapang Jr.na sadya nilang sinekreto at hindi ipinaalam sa media ang paglilipat dahil pawang high value prisoners ang mga ito.

Aniya, nasa 500 na “mababait” ang inilipat sa Iwahig habang ang mga “pasaway” ay inilipat sa Sablayan.

Nagbigay na rin si Catapang ng ultimatum sa mga PDL na isuko na ang anumang hawak nilang paraphernalia at iba pang ilegal na gamit.

Tiniyak ng BuCor chief na ang high-value prisoners na nailipat sa Sablayan Prison and Penal Farm ay malabong makatakas dahil nakatirik ang naturang pasilidad sa bundok.

Mayroon aniyang mga preso na nagtangkang tumakas ngunit bumalik rin dahil sa pagiging peligroso ng gubat.

Naniniwala si Catapang na posibleng ang paglilipat ng mga drug lord sa malayong pasilidad ang nasa likod ng mga sumulpot na kontrobersiya sa NBP. Teresa Tavares