MANILA, Philippines – Magbibigay ang United States ng isa pang $1 milyon para sa agarang humanitarian aid para sa Pilipinas matapos humarap sa anim na bagyo sa loob ng wala pang isang buwan.
Ito ay inihayag ni US Defense Secretary Lloyd Austin sa kanyang pakikipagpulong kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malacañan ngayong Lunes, Nob. 18.
“Mr. President, I have authorized US troops and all the Philippine forces to provide life-saving aid to the Filipino people. The US has also secured another million dollars in urgent humanitarian aid and that will enhance the work of the USAID (United States Agency for International Development) and the World Food Programme,” ani Austin kay Marcos.
Sinabi ni Austin na ito ay karagdagan sa halos 100,000 pounds ng mga supply na kanilang naihatid pagkatapos ng bagyong Julian.
Inulit din ng opisyal ng US ang pahayag ng Pangulo sa paggamit ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites para sa relief operations sa panahon ng kalamidad, na iniutos niya sa pananalasa ng bagyong Kristine noong huling bahagi ng Oktubre.
Matapos ang bagyong Kristine, lima pang bagyo ang tumama sa Pilipinas. Sinabi ni Marcos na tinawag nila ang mga ito bilang KLMNOP series of typhoons—Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel, at Pepito.
Sinabi ni Marcos kay Austin na ang gobyerno ay gumawa ng mas mahusay na trabaho sa pagtugon sa serye ng mga bagyo sa paggamit ng mga EDCA sites. RNT