Home NATIONWIDE 1M lagda para sa pagsimula ng impeachment trial vs VP Sara, inisnab...

1M lagda para sa pagsimula ng impeachment trial vs VP Sara, inisnab ng Senado

MANILA, Philippines – Walang makakapilit sa Senado na simulan ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte habang naka-recess ang sesyon ng 19th Congress sa kabila ng maraming petisyon o lagda, ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Sa pahayag, nanindigan si Escudero na sisimulan ang impeachment trial laban kay Duterte sa Hulyo 30 alinsunod sa itinakda ng batas, hindi ng lagda.

“No amount of signatures will amend the law nor convince me to violate it by convening the impeachment court during recess and without complying with the requisite conditions precedent,” ayon kay Escudero sa text message sa Senate media.

“The law is not bendable and should not bow to anyone’s dictate simply because of their own desire, bias and timetable of wanting to rush the impeachment proceedings vs. VP Sara,” dagdag niya.

Tugon ito ni Escudero sa paglulunsad ng People’s Impeachment Movement (PIM) ng ilang religious groups at sectoral representatives na naglalayong kumalap ng isang milyong lagda hanggang sa Pentecost Sunday sa June 8 upang ipakita sa publiko ang panawagan para sa impeachment trial ni Sara.

Sinunog sa pagtitipon ang ilang palaspas ang grupo na sumisimbolo sa pitong kasalana ng pamilya Duterte kabilang ang kasakiman sa kapangyarihan, kayamanan, sloth at galit.

Inihayag ni Catholic priest Fr. Flavie Villanueva, isa sa ilang pari na sumusuporta sa biktima ng kaanak ng biktima ng war on drugs ng Duterte administration sa pagsasabi na magsisimula ang tamang landas sa impeachment trial upang papanagutin si Sara sa ilang paglabag sa batas partikular sa usapin ng pananalapi.

Nagmatigas si Escudero na sisimulan ang impeachment trial sa July 30 kapag nagbalik ang sesyonng Senado.

Ayon kay Escudero, itutuloy ang impeachment trial alinsunod sa itinakda ng batas at hindi sa hinaing ng publiko.

“Hindi kayang baguhin ng ingay mula sa anumang sektor o grupo yung nakasulat sa batas. Hindi namin babaguhin yun depende sa palakasan ng sigaw. Hindi naman ako si Andrew E. na sinong mas malakas, pinaka maingay. Di naman ako yun, so hindi ko trabaho yun,” ayon kay Escudero.

“Ang sinasabi ng batas ay sinasabi ng batas, unless sabihan kami ng Korte Suprema sa mandamus petition na naka pending ngayon,” aniya. Ernie Reyes