Home METRO 2 bigtime tulak, timbog sa P3.4M ‘bato’ sa Zambo

2 bigtime tulak, timbog sa P3.4M ‘bato’ sa Zambo

175
0

ZAMBOANGA CITY – Naaresto ng pulisya ang dalawang umano’y high-value target at nakasamsam ng ₱3.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Barangay Cabatangan nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Col. Narciso Paragas ng PRO-Zamboanga Peninsula ang mga suspek bilang sina Algisno, 34, at Bossing, 36, kapwa residente ng Barangay Ayala. Nasamsam mula sa kanila ang dalawang sachet ng shabu na may bigat na 500 gramo, marked money, cellphone, at motorsiklo.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa Zamboanga City Police Office at nakatakdang sampahan ng kaso. Isasailalim din sila sa drug test.

Naugnay ito sa operasyon isang araw bago sa Barangay Baliwasan kung saan nasamsam ang ₱13.6 milyon halaga ng shabu at naaresto rin ang dalawang high-value target. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here