MANILA, Philippines – Dalawang low pressure area ang binabantayan ng state meteorologist kung saan ang isa ay nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio nitong Lunes na ang dalawang LPA ay may mataas na tsansa na maging tropical cyclones.
Ang LPA sa loob ng PAR ay huling namataan sa layong 830 kilometro silangan hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon.
Inaasahang lilipat ito pakanluran patungong Taiwan at Batanes, ani Aurelio.
Samantala, ang LPA sa labas ng bansa ay nasa 2,425 kilometro silangan ng Eastern Visayas, at inaasahang papasok sa PAR sa Miyerkules o Huwebes, kung magpapatuloy itong kikilos pahilagang kanluran, sinabi ng PAGASA weather specialty.
Kung ang parehong LPA ay naging tropical cyclone, sila ay tatawaging Ferdie at Gener. RNT