Home METRO 2 Chinese national timbog sa robbery with rape

2 Chinese national timbog sa robbery with rape

MANILA, Philippines- Kasong robbery with rape ang kinahaharap ng dalawang Chinese national na umano’y nanggahasa sa isang babaeng estudyanteng Vietnamese sa Parañaque City Sabado ng umaga, Agosto 24.

Kinilala ni Parañaque City police officer-in-charge P/Col. Melvin Montante ang mga inarestong suspek na sina alyas Junsong Lu, 30, at isang alyas Xinzhi Sui, 26, kapwa residente ng Pixel Residences, Bradco Avenue, Barangay Tambo, Parañaque City.

Sa report na isinumite ni Montante sa Southern Police District (SPD), naganap ang pangmomolestiya ng mga suspek sa biktima bandang alas-6:30 ng umaga sa kwarto ng Solaire Resort and Casino Hotel na matatagpuan sa Barangay Tambo, Parañaque City.

Base sa salaysay ng biktima, nagkasundo sila ng kanyang ka-chat na si alyas Sui na magkita sa nabanggit na hotel kung saan pinuntuhan nito ang suspek sa kanyang unit.

Nang makita ng mga suspek ang biktima ay agad nila itong hinila papasok sa loob ng kwarto kung saan binusalan ang bibig nito ng tuwalya bago ito pinagsamantalahan habang pinagsasampal pa ang biktima.

Samantala, matapos ang ginawang pangmomolestiya ni alyas Sui ay pinuwersa naman ni alyas Lu na maibigay ang password para mabuksan ang cellphone ng biktima sa pamamagitan ng paggamit ng Face ID feature.

Makaraan ang ilang oras ay lumabas ang mga suspek sa condo unit na iniwang nakatali ang biktima ngunit nakuha nitong makahulagpos sa pagkakagapos sa kanya.

Hinanap ng biktima ang kanyang Iphone 13 na cellphone ngunit dinala ito ng dalawang suspek pati na rin ang kanyang dalawang ATM cards.

Sa pagkakataong ito ay nagbalik sa kanyang tinutuluyang condo unit sa Pasay ang biktima at tinawagan ang kanyang kapatid na lalaki sa Vietnam para ma-check ang kanyang savings at nanlumo ito nang malaman niyang wala na ang kanyang ipon na nagkakahalaga ng P184,000.

Dito na naisipang humingi ng tulong ng biktima sa security guards ng gusali na siyang tumawag sa Tambo Police Sub Station na mabilis namang rumesponde sa lugar at nagdulot ng pagkakaaresto sa mga suspek.

Ang kaso ay naiturn-over na sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD) na siyang magsasampa ng kasong robbery with rape sa ilalim ng Paragraph 1 Article 294 ng Revised Penal Code laban sa mga suspek, sa Parañaque City Prosecutor’s Office. James I. Catapusan