Home NATIONWIDE 2 durugista binitbit sa P2M droga

2 durugista binitbit sa P2M droga

ILOILO CITY – Nasabat ng mga pulis ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon mula sa dalawang tulak ng droga sa buy-bust operation sa bayan ng Pavia, lalawigan ng Iloilo noong Disyembre 11.

Kinilala ng Pavia Municipal Police Station-Drug Enforcement Team ang mga suspek na sina Manong at ang live-in partner nitong si Ann. Narekober sa kanila ang 300 gramo ng shabu.

Ang 49-anyos na si Manong ay pinaniniwalaang labi ng binuwag na Previndido Drug Group.

Kinukuha umano ni Manong ang kanyang kontrabando mula sa Iloilo City na ipinamahagi ito sa Pavia at mga karatig-bayan.

Pinuri ng Iloilo Police Provincial Office ang Pavia MPS gayundin ang mga backup unit ng Iloilo Provincial Drug Enforcement Unit at ang Regional Drug Enforcement Unit ng Police Regional Office-6. RNT