Home METRO 2 estudyante tulak ng tobats, tiklo

2 estudyante tulak ng tobats, tiklo

80
0

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Nahulog sa bitag ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 02 ang dalawang estudyante na third year criminology na lalaki at senior high school graduate na isang transgender sa isang drug buy-bust operation sa Don Tomas Maddela, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa direktiba ni Regional Director Gil Cesario P. Castro ng PDEA Region 02, kanilang sinubaybayan ang galaw ni alyas Jay, 24 anyos na crim student na residente ng Brgy. Masoc, Bayombong, Nueva Vizcaya na posibleng nagbebenta rin umano sa mga kapwa estudyante.

Una rito, nag-test buy ang PDEA Nueva Vizcaya sa suspek at positibo kaya’t agad nagsagawa ng entrapment o drug buy-bust operation na kasama rin nahuli si alyas Cassie, 22 anyos ng Brgy. Luyang, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Positibong binentahan ng suspek ng isang gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang isang miyembro ng PDEA Nueva Vizcaya.

Maliban dito, nakuha ang pitong supot na naglalaman ng marijuana at isang gramo ng hinihinalang shabu. Sa kabuuan, umabot sa 770 grams ng hinihinalang marijuana ang nakuha at nagkakahalaga ng 99,200 kasama na ang shabu.

Nahaharap ang dalawang estudyante sa paglabag sa violation of Section 5 in relation to Section 26 (b), and Section 11, Article II of Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here