Home METRO 2 grabe sa fireworks disposal blast sa Zambo

2 grabe sa fireworks disposal blast sa Zambo

(c) City Government of Zamboanga

ZAMBOANGA – Nasa kritikal na kondisyon ang dalawang katao matapos ang hindi inaasahang pagsabog sa nakatakda sanang pagsira o controlled fireworks disposal sa Zamboanga City nitong Lunes ng hapon.

Bukod pagkasugat ng 22 indibidwal, napinsala rin ng pagsabog ang isang bahay, simbahan, at iba pang installation malapit sa military firing range sa Barangay Cabatangan.

(c) City Government of Zamboanga FB Page

Sinabi ng Zamboanga City Police Office na nakatakda sana ang fireworks disposal nitong Linggo ngunit inilipat ito ng Lunes.

Ang mga paputok ay nagmula sa bodega sa Barangay Tetuan kung saan ang pagsabog noong Hunyo 29 ay ikinamatay ng limang katao. RNT