Home METRO Sasakyan tinagay ng ilog; 6 pasahero inanod

Sasakyan tinagay ng ilog; 6 pasahero inanod

CEBU –  Inanod ng rumaragasang umapaw na ilog ang isang pick-up truck lulan ang nasa 17 pasahero, kabilang ang driver, sa Barangay Cantumog, bayan ng Carmen dakong alas-5 ng hapon. nitong Lunes, Hulyo 8, 2024.

Sa 17 pasahero, 10 ang agarang nakaligtas mula sa biglaang mabilis na pag-agos ng tubig, habang ang natitirang pitong indibidwal ay tinangay.

May be an image of body of water

Kabilang sa mga indibidwal na tinangay ng mabilis na agos ng tubig ay isang 12-anyos na babae, isang 26-anyos na babae na pinaniniwalaang buntis, isang 14-anyos na babae, isang 14-anyos na lalaki, ang asawa ng buntis, at isang 11 taong gulang na babae, na nakuha na.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), galing sa isang resort ang mga indibidwal at pauwi na sana.

Gayunpaman, dahil sa malakas na pag-ulan, biglang umapaw ang ilog sa barangay road na dinaraanan ng sasakyan.

Nagpapatuloy pa rin ang rescue operation. RNT