Home METRO Drayber, pahinante ng oil tanker pinagbabaril-patay ng hijackers

Drayber, pahinante ng oil tanker pinagbabaril-patay ng hijackers

LA UNION – Pinagnakawan na, pinagbabaril-patay pa ang drayber at pahinante ng oil tanker truck ng apat na hijaker sa Rosario.

Basta na lamang iniwan sa tabing-kalsada ang mga labi ng biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima, ayon sa pulisya.

Base sa imbestigasyon, lumalabas na hinarang ng apat na suspek na nagpanggap na uniformed personnel ang oil tanker truck. Matapos maagaw ang trak ay pinababa ang mga biktima at dito na pinagbabaril, ani Police Lieutenant Colonel Jake Isidro, Public Information Officer of the La Union Police Provincial Office (PPO).

Sa ikinasang follow-up operation, nakita ang truck na iniwan sa Aguilar, Pangasinan na posibleng nagkaaberya  kaya napilitang abandonahin ng mga suspek.

Samantala, sa tulong naman ng isang saksi, naaresto sa Sual, Pangasinan ang isa sa mga suspek habang kilala na ang tatlong iba pang suspek. Santi Celario