Home METRO 2 granada pinasabog sa kabahayan sa Maguindanao Sur; 1 sugatan

2 granada pinasabog sa kabahayan sa Maguindanao Sur; 1 sugatan

BULUAN, Maguindanao del Sur (PNA) – Sugatan ang isang indibidwal sa sumabog na dalawang M-79 granada na itinapon ng hindi pa nakikilalang mga indibidwal sa mga residential area dito noong Linggo ng madaling araw.

Sa ulat, sinabi ni Lt. Cemafranco Cemacio, ang hepe ng municipal police, na ang kambal na pagsabog ay naitala dakong alas-2 ng madaling araw sa residential area ng Purok 3, Barangay Digal.

“One of the grenades landed on the roof of one of the houses that slightly injured one person,” ani Cemacio.

Dinala sa ospital ang biktima, dagdag niya.

“Mahigpit naming kinokondena ang mga ganitong marahas na gawain na naghahasik ng takot sa mga mamamayan at nakakagambala sa umiiral na kapayapaan at kaayusan,” aniya pa.

Sinabi ni Cemacio na sinusubukan din nilang alamin kung ang pag-atake ay may kaugnayan sa darating na barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na buwan. RNT