Home METRO 2 Indian nat’ls timbog sa P23M droga sa Laguna

2 Indian nat’ls timbog sa P23M droga sa Laguna

186
0

LAGUNA, Philippines – Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang Indian nationals at nakumpiska ang humigit-kumulang 44 kilo ng pinaghihinalaang cocaine na nagkakahalaga ng Php 233.2 milyon sa isang buy-bust operation sa Villa de Calamba, Barangay La Mesa, Calamba City, Laguna, bandang 2:30 a.m. noong Pebrero 21, 2026.

Pinangunahan ang operasyon ng PDEA RO-NCR Southern District Office, katuwang ang PDEA RO-4A Laguna Provincial Office, RO-4A Regional Special Enforcement Team, at Calamba City Police Station.

Arestado sina “FiveSix” (30 taong gulang) at “Ali” (32 taong gulang), parehong Indian nationals at negosyante.

Narekober ang dalawang kilo ng cocaine sa brown paper bag bilang subject ng benta, at 42 kilo sa karton box bilang subject ng possession. Nakumpiska rin ang buy-bust money, brown paper bag, smartphone, at mga passport.

Haharapin ng mga suspek ang kaso sa ilalim ng Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165. Susuriin ang mga nakumpiskang droga sa PDEA Laboratory Service. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here