MANILA, Philippines- Kinasuhan ng cybercrime ng pamunuan ng Police Regional Office (PRO) 7 (Central Visayas) nitong Biyernes ang dalawang indibidwal dahil sa fake news na kanilang post sa social media.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 sina Leomar Magallanes at Salic Daurong dahil sa umano’y pagpapakalat ng disinformation sa social media.
Ayon kay PRO 7 chief Brig. Sinabi ni Gen. Redrico Maranan, nag-ugat ang pagsasampa ng mga reklamo sa isang video na kumakalat sa social media sa katatapos na grand procession ng Sinulog Festival at pinalabas na prayer protest rally bilang suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Ating mga cyber investigators ay napag-alaman natin very tedious at very circuitous ang imbestigasyon na ginawa natin dahil online kasi ito,” ani Maranan.
Dagdag pa ni Maranan, nakipag-ugnayan na sila sa mga telecommunication companies at internet providers para subaybayan ang digital footprint ng mga maling pagpapakalat ng impormasyon.
Pinaalalahanan niya ang publiko na ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa social media ay isang malaking pagkakasala na sumisira sa tiwala at kaligtasan ng publiko.
Hinikayat din ni Maranan ang lahat na maging mapagbantay at responsable sa pag-post sa kanilang mga social media online. Mary Anne Sapico