Home METRO 2 lider ng NPA patay sa engkwentro

2 lider ng NPA patay sa engkwentro

NEGROS OCCIDENTAL- Patay ang dalawang mataas na opisyal ng teroristang (New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ang military noong Sabado sa Cadiz City.

Ayon kay 1st Lt Dan Carlo Samoza, tagapagsalita ng 79th Infantry Battalion, bandang ala-1 ng madaling araw ay nagsagawa ng focused military operations ang kanilang tropa sa Hacienda Paraiso, Barangay Caduhaan, Cadiz City, ng makasagupa nila ang hindi baba sa 7 miyembro ng NPA.

Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok na ikinasawi ng isang babae at lalaki na pawang hindi pa pinangalanan at parehong may mataas na posisyon sa regional level at parte ng Komiteng Rehiyon-Negros Cebu Bohol Siquijor.

Narekober naman sa lugar ng pinangyarihan ng engkwentro ang mga gamit na pandigma at mga subersibong dokumento.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang hot pursuit at clearing operation ng militar laban sa mga nakatakas na teroristang grupo. Mary Anne Sapico