Home NATIONWIDE 2 lugar sa Calabarzon, posibleng umabot sa “danger” heat index

2 lugar sa Calabarzon, posibleng umabot sa “danger” heat index

116
0

MANILA, Philippines – Inaasahang makararanas ng matinding init ang dalawang lugar sa Calabarzon sa Linggo at Lunes, Abril 26 at 27, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Batay sa 5 p.m. monitoring ng Pagasa noong Sabado, inaasahang aabot sa 43°C heat index ang Sangley Point sa Cavite City sa parehong araw.

Samantala, sa Barangay Ambulong sa Tanauan City, Batangas, tinatayang aabot sa 41°C noong Linggo at 40°C noong Lunes ang heat index.

Ayon sa Pagasa, ang heat index na 42°C hanggang 51°C ay nasa “danger” level, habang ang 33°C hanggang 41°C ay “extreme caution.”

Sa “danger” level, maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke ang matagal na pagkabilad sa init. Sa “extreme caution” naman, posible pa rin ang heat cramps at exhaustion, at tumataas ang risk ng heat stroke kapag nagpatuloy ang mabigat na aktibidad.

Pinapayuhan ang publiko na uminom ng maraming tubig, magsuot ng magaang damit, iwasan ang mabibigat na outdoor activity, at bantayan ang mga bata, matatanda, at may sakit.

Pinapaalalahanan din ang publiko na umiwas sa direktang sikat ng araw mula 10 a.m. hanggang 4 p.m. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here