BATANGAS, Philippines – Nagpakita ng panibagong aktibidad ang Taal Volcano matapos maitala ang dalawang minor phreatic eruptions at pagdami ng seismic activity sa loob ng nakaraang 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Linggo, Abril 26.
Sa umagang bulletin ng Phivolcs, naitala ang dalawang steam-driven eruptions o “pusngat” na tumagal ng 10 minuto (1:57 a.m. hanggang 2:07 a.m.). Umabot sa 150 hanggang 200 metro ang itinaas na usok mula sa bunganga ng bulkan.
Ayon sa ahensya, ito na ang ikalimang minor eruption ng Taal ngayong buwan. Matatagpuan ang bulkan sa gitna ng Taal Lake sa Batangas.
Nauna nang naitala ang mga sumusunod na aktibidad:
Abril 21: 1-minutong weak phreatic eruption
Abril 9: 2-minutong phreatomagmatic eruption
Abril 10: 1-minutong eruption
Abril 6: 2-minutong phreatic burst






