Home NATIONWIDE 2 lugar sa Laguna, baha pa rin!

2 lugar sa Laguna, baha pa rin!

MANILA, Philippines – Lubog pa rin sa baha ang lungsod ng Biñan at munisipalidad ng Santa Cruz sa Laguna ilang linggo makalipas ang pananalasa ng sunod-sunod na bagyo, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) nitong Huwebes, Nobyembre 21.

Ang Laguna ang isa sa mga napuruhan ng mga nagdaang bagyo lalo na ang Severe Tropical Storm Kristine.

“It can be recalled that it took three months for the flooding to subside in our towns near the lake. Here, those affected by the storm experienced its almost stationary presence over our area. Nearly all towns were impacted, including our upland municipalities,” pahayag ni PDRRMC Officer Aldwin Cejo sa panayam ng Teleradyo Serbisyo.

Noong Oktubre, naitala ng Office of the Civil Defense ang pinakamataas na death toll sa bansa sa CALABARZON na umabot sa 48 sa pananalasa ng Bagyong Kristine.

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 584 lugar sa iba’t ibang bayan sa 15 rehiyon ang nakaranas ng mga pagbaha.

Ayon naman sa Laguna Lake Development Authority, nagdulot ng mabilis na pagtaas ng tubig sa Laguna de Bay ang malalakas na ulan dulot ng Bagyong Kristine.

“Due to the rains in neighboring provinces, Laguna Lake is being affected, and as we know, it can no longer accommodate the water coming from other provinces, especially with the rainfall here in the province of Laguna.”

Patuloy na isinusulong ng Laguna PDRRMC ang implementasyon ng drainage master plan, na pangungunahan ng provincial government sa pakikipagtulungan sa local planning officers, engineers, at disaster risk reduction and management (DRRM) officers. RNT/JGC