Home METRO 2 menor, 6 sugatan sa sumalpok na traysikel

2 menor, 6 sugatan sa sumalpok na traysikel

107
0

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang menor de edad habang anim pa ang nasugatan matapos mawalan ng preno ang sinasakyang tricycle at sumalpok sa isang bakal na harang bago mahulog sa 30-talampakang bangin sa Barangay Kinalaglagan, Mataas na Kahoy, Batangas noong Linggo, Abril 26.

Kinilala ang mga nasawi na sina Carl Benedict Brillates, isang estudyante, at apat na taong gulang na si Briegh Daniel Potian.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng kontrol ang tricycle dahil sa sira sa preno bago bumangga sa steel barricade at tuluyang nahulog sa bangin. Dinala sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival ang dalawang menor de edad.

Samantala, sa hiwalay na insidente sa Laguna, siyam katao ang nasugatan matapos tumaob ang isang public utility vehicle (PUV) sa kahabaan ng Majayjay-Lucban Road sa Barangay Bakia, Majayjay noong parehong araw.

Ayon sa pulisya, sakay ng 17 katao kabilang ang driver ang naturang sasakyan na nawalan din ng preno habang pababa ng kalsada kaya ito bumangga at tumaob. Walo sa mga pasahero at ang driver ay isinugod sa mga ospital para gamutin.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa dalawang magkahiwalay na aksidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here