Home METRO Misis utas kay mister sa ‘di naigib na tubig

Misis utas kay mister sa ‘di naigib na tubig

101
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang 45-anyos na misis matapos umanong bugbugin ng kanyang asawa dahil sa pagtatalo tungkol sa tubig sa kanilang bahay sa Barangay Orong, Kabankalan City, Negros Occidental noong Sabado, Abril 25.

Kinilala ang biktima na si Mary Jane at ang suspek na kanyang 46-anyos na asawang si Jorly, isang laborer.

Ayon kay Police Lt. Gilbert Alunan, deputy chief ng Kabankalan City Police Station, nagsimula ang insidente nang komprontahin ng misis ang kanyang asawa matapos nitong hindi makapag-igib ng tubig pag-uwi mula sa inuman at habang naghahanda sa trabaho.

Sa galit umano ng suspek, sinampal nito ang kanyang asawa, sinuntok sa tiyan, at tinapakan sa dibdib nang bumagsak ito sa sahig. Nawalan ng malay ang biktima at dinala sa ospital ngunit idineklarang patay.

Ayon sa pulisya, nasaksihan ng kanilang siyam na taong gulang na anak, isa sa walong anak ng mag-asawa, ang insidente at siya ang nagsumbong sa barangay. Kalaunan ay isinuko rin ng isang opisyal ng barangay ang suspek sa pulisya.

Sinabi rin ng pulisya na may dati nang alitan ang mag-asawa base sa salaysay ng mga anak, ngunit walang naitalang reklamo sa barangay o pulisya bago ang insidente. Haharap sa kaukulang kaso ang suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here