Home METRO Brownout naka-iskedyul mula Abril 28-30 sa Bulacan

Brownout naka-iskedyul mula Abril 28-30 sa Bulacan

169
0

MANILA, Philippines – Nag-anunsyo ang Meralco ng mga naka-iskedyul na power interruption sa ilang bahagi ng Bulacan mula Abril 28 hanggang 30 dahil sa maintenance at upgrading works.

Kabilang sa maaapektuhan ang mga lugar sa Bocaue, Marilao, Balagtas, at ilang bahagi ng Meycauayan, pati na rin ang portions ng Valenzuela City na konektado sa mga linya.

Mga iskedyul ng brownout:

–Abril 28–29 (11:00 p.m. – 5:00 a.m.)

Bocaue at Marilao – dahil sa replacement at installation ng linya at facilities

–Abril 30 (1:00 a.m. – 6:00 a.m.)

Balagtas – para sa line reconductoring works

–Abril 30–May 1 (11:00 p.m. – 4:00 a.m.)

Meycauayan at bahagi ng Valenzuela – dahil sa relocation ng facilities at installation ng poste at primary lines

Ayon sa Meralco, layunin ng mga gawaing ito na mapabuti ang serbisyo ng kuryente sa mga apektadong lugar.

Pinayuhan ang mga residente na maghanda, lalo na’t kasabay ito ng matinding init ng panahon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here