Home NATIONWIDE 2 MILF commanders mabubulok sa kulungan sa pagpaslang sa SAF-44

2 MILF commanders mabubulok sa kulungan sa pagpaslang sa SAF-44

MANILA, Philippines- Hinatulang makulong sa loob ng mahabang panahon ang dalawang rebel militia commanders na may kaugnayan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahil sa kanilang partisipasyon sa pag-massacre sa 35 police commandoes sa Mamasapano, Maguindanao nitong 2015.

Sa desisyon ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 153, guilty sa 35 bilang ng kasong homicide sina Abubakar Guiaman, alyas Commander Refy at Mohammad Ali Tambako, at hinatulan na makulong ng 14 taon sa bawat bilang ng kaso.

Sa rekord ng kaso, Jan. 25, 2015 pinasok ng pwersa ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) ang Barangay Tukanalipao, Mamasapano para isilbi ang warrants of arrest laban sa dalawang bomb experts ng Jemaah Islamiyah na sina Zulkifli Abdhir alyas Marwan at si Abdul Basit Usman.

Nasawi si Marwan sa naganap na engkwentro sa SAF na nakipaglaban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at MILF 118th Command sa lugar na nagresulta sa pagkamatay ng 44 na SAF.

Sa isang kalatas, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang naging hatol ng Taguig RTC ay bunga ng pagsusumikap ng DOJ na panatilihin ang rule of law.

“This court victory is the fruit of the DOJ’s hard work and resilience in the face of adversity through the years, never backing down against injustice to uphold the rule of law. To my fellow Filipinos we have won,” ani Remulla. Teresa Tavares