Home NATIONWIDE 2 oil tanker na konektado sa Venezuela, sinamsam ng US

2 oil tanker na konektado sa Venezuela, sinamsam ng US

199
0

USA – Sinamsam ng Estados Unidos ang isang Russian-flagged oil tanker, ang Marinera (dating Bella-1), matapos ang dalawang linggong habulan sa Atlantiko, bilang bahagi ng pagsugpo sa pag-export ng langis ng Venezuela, ayon sa mga opisyal ng US nitong Miyerkules.

Nakaligtas ang barko sa mga pagtatangka ng US Coast Guard na board-in ito sa Caribbean at sinusubaybayan ng isang Russian submarine sa operasyon malapit sa Iceland.

Iniulat ng US military ang pagsakote dahil sa paglabag sa sanctions, at ngayon ay nasa kontrol ng Coast Guard ang barko.

Ayon sa transport ministry ng Russia, nawala ang komunikasyon sa barko, at tinawag ng isang mataas na mambabatas ang pagsakote bilang “ganap na piracy.”

Hindi pa malinaw kung saan dadalhin ang tanker, ngunit posibleng sa British territorial waters.

Sinamsam rin ng US Coast Guard ang ikalawang tanker na may koneksyon sa Venezuela, ang Panama-flagged M/T Sophia, na inilarawan bilang “stateless, sanctioned dark fleet motor tanker.”

Dala nito ang langis ng Venezuela patungong China nang naka-off ang transponder at ito ay ihahatid sa US para sa final disposition.

Nangyari ang mga pagsakote kasabay ng pinalakas na presyon ng US sa Venezuela sa ilalim ng kampanya ni Pangulong Trump laban sa iligal na pag-export.

Inakusahan ng US ang Caracas ng pag-agaw sa langis ng US, samantalang tinawag ng mga awtoridad ng Venezuela bilang kidnapping ang pagdakip kay Pangulong Maduro. Kamakailan, nagkasundo ang US at Venezuela na mag-export ng hanggang $2 bilyon na halaga ng langis ng Venezuela sa US, na ililihis mula sa mga padating sa China. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here