CONCEPCION, Tarlac – Patay ang dalawang Korean nationals matapos bumagsak ang isang light plane sa palayan ng Barangay Panalicsican, Concepcion, Tarlac.
Ang lalaking Korean national ay residente ng Barangay Dau, Mabalacat, Pampanga, habang patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng kasamang babae.
Agad rumesponde ang mga tauhan ng pulisya at rescue team sa lugar matapos ang insidente.
Naisugod ang mga biktima sa Concepcion District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Hanggang sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang sanhi ng pagbagsak ng light plane. REY VELASCO