Home NATIONWIDE Ilang lugar sa Visayas, Mindanao binaha sa bagyong Ramil

Ilang lugar sa Visayas, Mindanao binaha sa bagyong Ramil

300
0

MANILA, Philippines – Nalubog sa baha ang ilang probinsya sa bansa matapos makaranas ng malalakas na pag-ulan kasabay ng pananalasa ng Tropical Storm Ramil nitong Sabado, Oktubre 18.

Ayon sa ulat, nagulat na lamang ang mga residente sa rumaragasang baha sa Barangay Sampao, Almeria, Biliran.

Kaagad naman na humupa ang baha nang tumigil ang pag-ulan.

Umapaw din ang Pulangi River sa Kabacan, Cotabato dahil din sa malalakas na pag-ulan.

Dahil dito ay kinailangang ilikas ang mga residente na naninirahan malapit sa ilog.

Binaha rin ang iba pang barangay sa naturang bayan, kabilang ang ilang barangay sa Datu Montawal, Maguindanao del Sur, dahil din sa pag-apaw ng Pulangi River.

Sa Gen. S. K. Pendatun naman ay halos umabot na sa bubong ng mga bahay ang taas ng tubig-baha.

Ayon sa MDRRMO, nasa 300 pamilya ang inilikas. Sa kabila nito, maging ang evacuation center ay nalubog din sa baha.

Nagsisilbi umanong catch basin ang lugar kapag binabaha ang mga kalapit na lugar at ang mga ilog sa lugar.

Namahagi na ng relief goods ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here