Home METRO 2 tanod hinoldap sa mismong barangay hall

2 tanod hinoldap sa mismong barangay hall

129
0

MANILA, Philippines – Hindi nakaligtas ang dalawang tanod na hinoldap ng riding-in-tandem sa mismong sa harap ng barangay hall sa Sta. Cruz, Maynila.

Sabado, Abril 6 ng madaling araw nangyari ang insidente habang nakaupo ang dalawang tanod na naka-duty noon.

Maya-maya pa ay lumapit ang angkas sa dalawang tanod saka tinutukan ang mga ito ng baril at kinuha ang cellphone.

Sinabi ng Manila Police District na natukoy na nila ang nanutok ng baril at residente ng Maynila ang suspek na dati na ring nakulong sa robbery-holdup, samantalang hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng rider. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here