Home METRO P100K reward alok sa ikadarakip ng gunmen na pumatay sa ex-SK

P100K reward alok sa ikadarakip ng gunmen na pumatay sa ex-SK

VIGAN CITY, Ilocos Sur – Nag-alok ng P100,000 reward ang pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Sur at ang pamahalaang lungsod ng Vigan para sa impormasyong hahantong sa pagkakaaresto sa mga gunmen ni dating Sangguniang Kabataan chairman Marionne Tugade.

Sinabi ng pulisya na maaaring makipag-ugnayan ang mga impormante sa mga numero ng cellphone 09178607316 o 09989682940.

REWARDS POSTER.jpg

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up na imbestigasyon ang awtoridad at sinusuri ang mga surveillance camera dito upang makilala ang mga suspek.

Si Tugade, 28, ay binaril sa Quirino Boulevard, Barangay 6, lungsod na ito sakay ng kanyang sasakyan noong Abril 8.

Ang biktima ay anak ni dating Caoayan Mayor Mario Tugade at residente ng Barangay Don Alejandro Querolgico, Caoayan.

Siya ay pinatay ng mga armadong lalaki na sakay ng isang motorsiklo habang ipinagdiriwang niya ang kanyang ika-28 anibersaryo ng kapanganakan. RNT