Home HOME BANNER STORY 2 tanod patay sa araro ng jeep sa Batangas

2 tanod patay sa araro ng jeep sa Batangas

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang barangay tanod habang sugatan ang anim iba pa nang araruhin ito ng isang jeepney sa Barangay Tulo, Batangas City nitong hapon ng Biyernes, Nobyembre 1.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Jocelyn Claro Macatangay, 49, at Arnold Ebora Calaluan, 49, mga tanod ng Barangay Tulo.

Sugatan naman ang mga kasamahan nilang sina Raul de Castro Soriano, 55; John Rommel A. Dinglasan, 32; Alex Sara Perez, 32; Nelson P. Casao, 49; Nick Ilagan Banaag, 42, at Danilo C. de Castro, 63.

Sa imbestigasyon, inararo ng jeepney na minamaneho ni Gado Perez mula Lobo, Batangas ang mga biktima na naka-duty sana para sa paggunita ng Undas.

Dinala sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang patay ang dalawa sa kanila.

Napag-alaman na lasing si Perez nang mangyari ang aksidente.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide at multiple physical injuries ang drayber. RNT/JGC