MANILA, Philippines – ‘Generally peaceful’ ang paggunita ng Undas sa Cordillera region, ayon kay Police Brig. Gen. David Peredo Jr., Police Regional Office-Cordillera chief.
Tinukoy ni Peredo ang mapayapang paggunita ng okasyon sa deployment ng 1,200 pulis sa mga lugar na karaniwang dinaragsa tuwing Undas.
Kasama ang command group, ininspeksyon ni Peredo ang mga lugar na ito para imonitor ang kanilang deployment.
Bago ang inspeksyon ay binisita ni Peredo ang Baguio City Police Office Tactical Operations Center upang suriin ang mga pulis na naka-istasyon at ang overall situation sa Central Business District.
Bagama’t maulan ang paggunita ng Undas at kaunti lamang ang mga bumisita sa mga sementeryo, magpapatuloy naman ang round-the-clock monitoring ng mga awtoridad. RNT/JGC