Home NATIONWIDE 2 tigok sa hagupit ni Ada

2 tigok sa hagupit ni Ada

171
0

MANILA, Philippines – Dalawang katao ang naiulat na nasawi matapos manalasa ang Tropical Storm Ada, na may international name na Nokaen, sa ilang bahagi ng Bicol Region, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo.

Sa pinakahuling situational report ng NDRRMC, sinabi nitong ang mga nasawi, na kasalukuyan pang bineberipika, ay biktima ng landslide sa Matnog, Sorsogon. Ayon sa ahensya, umabot na sa 7,170 pamilya o 10,249 indibidwal sa Bicol at Caraga ang naapektuhan ng bagyo.

Hindi bababa sa 82 katao ang isinailalim sa pre-emptive evacuation, habang 71 lugar ang naiulat na binaha dahil sa patuloy na pag-ulan. Tinatayang PHP 547,765 na halaga ng tulong mula sa pamahalaan, kabilang ang food at non-food items, ang naipamahagi sa mga apektadong komunidad.

Bukod sa malalakas na hangin, nagdadala rin ang Ada ng malalakas na pag-ulan at banta ng coastal flooding, na may posibleng storm surge na aabot sa dalawang metro sa mabababang lugar.

Pinayuhan ang mga residente na manatiling alerto at sundin ang mga abiso ng lokal na disaster risk reduction offices. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here