Home IN PHOTOS 2 Tsino timbog sa P6.8M tobats sa Pasay

2 Tsino timbog sa P6.8M tobats sa Pasay

MANILA, Philippines – Arestado sa buy-bust operation ang dalawang Chinese national na nakuhanan ng tinatayang isang kilo ng shabu sa Coast Residence sa Roxas Blvd service road sa Pasay City, bandang 7:41 gabi ng Martes, Marso 4, 2025.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Chang Sao, at alyas Ly Zuzhou, na kapwa chinese national at tenant sa nasabing condo.

Nakumpiska ng awtoridad ang isang transparent vacuum sealed plastic pack na hinihinalang 1 kilo shabu at may estimated standard drug price na P6,800,000.

Nakuha rin ang isang genuine na isang libong piso bill at anim na libong pisong boodle money, isang pulang gift box na may Chinese markings, isang paper bag na may Chinese markings, isang IPhone, at isang brown envelope.

Ang mga arestadong suspek ay pansamantalang ipinamalagi sa Pasay City Police Station habang inihahanda ang mga dokumento para sa paghahain ng reklamong paglabag sa section 5 ng RA 9165 sa City Prosecutor’s Office. Dave Baluyot